Wednesday, July 12, 2017

Walang mapapala ang mga taong inuuna ang hiya

___
Wala naman talagang tao ang hindi kayang makipag usap sa ibang tao, nahihiya ka lang.
Wala naman talagang tao ang hindi kayang mag invite, nahihiya ka lang.
Hindi rin naman imposibleng magsalita ka sa harap, nahihiya ka lang.
Hindi rin naman mahirap na turuan mo ang ibang tao, naiilang ka lang.
Hindi naman talaga pangit ang inooffer mong business, kinakahiya mo lang.
Lahat ng mga top earners sa ibat ibang marketing companies ay mga taong nag decide na tumayo sa harap, ilead ang grupo nila, mag talk, mag train at mag promote nang magpromote. Walang lugar ang hiya sa negosyo, lalo kung ang negosyo ay legal, moral, at etikal. Ibang mga tao ngang illegal ang ginagawa,hindi nahihiya, ikaw pa kaya na legal. Makikita ang confidence at commitment mo bilang leader sa kung paano mo pinopromote ang business mo. Tandaan na ang negosyong kinakahiya hindi pinagpapala. Walang mapapala ang mga taong inuuna ang hiya. Gawin mo lang ng gawin. Masasanay ka din :)
___

No comments:

Post a Comment