Alam moba kung ano yung pinaka unang rason kung bakit tayo natatakot mag take ng action sa business natin. Kung bakit nai-stuck up tayo at palagi nalang sasabihin sa sarili natin na “mamaya na”.
Yun ay dahil hindi mo pa lubusan naintindihan yung benefits o reward na makukuha mo sa industry natin.
Huh??.. anong ibig mong sabihin?
Ganito, tayo kasing mga tao ay very normal lang na hindi agad mag take ng action kung hindi pa natin lubusan naintindihan yung isang bagay. Kung baga umiiiral yung takot sa isipan natin na magka mali tayo dahil nga hindi pa natin naintindihan ng lubusan. Hindi pa natin naintindihan yung benefits o reward kapag mag take tayo ng action.
Tanungin kita..
Bakit kaba sumali sa affiliate marketing?
..eh malaki kasi ng potential income.
..gusto ko kasing kumita ng malaki at yumaman.
..etc
Ito yung tinatawag na DEEPEST WHY natin.
Ang problema, sa dami ng distraction sa paligid natin, samahan mopa yung mga negative mong kamag-anak, pamilya, kaibigan, ka-trabaho.. talagang malo-low bat ka hanggang sa makalimutan muna kung bakit mo ginagawa yung negosyo mo.
Nakapa importante na bilang isang entrepreneur ay laging kang motivated, POWEEEERRRR lage.. π
Parang sasakyan lang kasi yan, hindi yan tatakbo kung walang gasolina. Ganun din sa sarili mo, hindi mo ma overcome yung FEAR kung hindi ka motivated at kung hindi mo naintindihan yung ginagawa mo.
My advice, continue reading books about network marketing, self development na magbibigay sayo ng better understanding sa MLM industry. At syempre i-apply mo yung matutunan mo.
Sa huli, negosyo mo parin yung bini-build mo. Be responsible in your business. Be resourceful.
Wag mong hayaan na maghinayang ka balang araw dahil hindi mo ginawa yung gusto mo. Dahil takot kang ma reject, takot kang mag fail at takot kang magka mali.
Wag mong hayaan na darating yung araw na sabihin mo sarili mo na “ sana ginawa ko yun, sana hindi ako natakot ma reject, sana hindi ako natakot mag fail”. Hindi sana ganito yung sitwasyon ko.
Always remember, we can’t buy back time. Hindi na natin maibabalik yung nakalipas na. Wag mong hayaan na sabihin yung salitang “SANA”. Take action now, overcome your FEAR.
Gusto kong sabihin mo sa sarili mo ngayon na “ I’M NO FEAR” , I’M FEARLESS” (isigaw mo π )
Ikaw, anong FEAR ba yung kinatatakot mo ngayon? Takot kapa rin bang ma reject? Mag fail? Mag take ng action?
Eto ang sagot dyan...
FACE EVERYTHING AND RISEπππ
No comments:
Post a Comment