May bata na gustung-gusto maging successful so tinanong niya si Socrates kung paano nga ba maging successful.
Ang sagot ni Socrates: "Sige, meet mo ako sa ilog. Ituturo ko sa iyo iyong sikreto ng pagiging successful."
Naglakad iyong bata papunta sa ilog.
Noong umabot na iyong tubig hanggang sa leeg ng bata, nilublob ni Socrates iyong bata.
Nagpumiglas iyong bata. Ginawa niya ang lahat para makahinga.
Nang binitawan na siya ni Socrates, tinanong niya iyong bata. "Ano ang iniisip mo noong nandoon ka sa ilalim?"
Sagot ng bata: "Wala akong ibang inisip kung hindi ang makahinga, makahigop ng hangin, at makalanghap ng hangin."
Ang tugon naman ni Socrates: "Iyan ang sikreto ng success. Kapag sobrang kailangan mo ng hangin, tanging iyon na lang ang naiisip mo. Ang tanging nasa isip mo na lang ay iyong success at makuha iyong gusto mo.. Doon ka magiging successful. All of the sudden, magagawa mo na ang lahat ng paraan para makuha iyong success na gusto mo."
No comments:
Post a Comment