Wednesday, July 12, 2017

If it's not happening now, it doesn't mean it won't happen in the future..

___
Hindi madaling makuha ang mga bagay na may value at life changing. Tandaan na lahat ng bagay may proseso, kapag minadali pangit ang kalalabasan. 

Pag nagsaing ka ng minadali, hilaw. Pag naglaba at minadali, hindi rin kaaya aya at hindi ganap ang kalinisan, ang bahay na minadali, madaling magigiba may dumaan lang na mahinang unos at pagyanig, dapat malalim ang pundasyon at solido ang mga haligi.

Sa ngayon madami kang nakikitang may resulta. Natutuwa ka sa kwentong buhay nila na dati ganun lang ngayon ganito na. Pero tandaan na ang mga taong ito ay dumaan ng matinding pagsubok, panlilibak, pag uyam at pang alipusta. Hindi sila pinaniwalaan, pinagtawanan, pinagkaisahan, at minata pero napagtagumpayan nila dahil nakita nilang higit na mahalaga ang mga pangarap nila kaysa sa mga opinyong mapangutya ng iba. 

Resulta na lang nakikita mo ngayon, pero yung dugot luha hindi. Isipin mong nasa alighment stage ka. Isipin mong nasa unang level ka pa lang. Na sa mga unang bahagi ay dapat mas malaki at mas madaming kaalaman muna ang makuha mo kaysa kita. Kasi once na alam na alam mo na ang ginagawa mo at sistemang meron ka, dun pa lang magsisimula ang totoong NEGOSYO. NEGOSYONG IKAW NA ANG NAGPAPATAKBO.
___

No comments:

Post a Comment