H'wag ka magtaka kung bakit napakapanget sa pandinig ng mga tao kapag sinabing "networking"
Before I proceed, I just want to say na network marketer rin ako at hindi panget ang industriya ng network marketing. Based on facts, ang network marketing ang may pinakamaraming ginawang financially successful na tao sa buong mundo. :)
Nagiging panget lang ang networking dahil sa mga taong nasa loob nito. Sa halip na aralin kung ano 'yung ethical at effective na paraan para makapag recruit ng tao at matulungan sila maging successful, mas pinipili nila na gawin 'yung mga unethical na pagsisinungaling at panloloko sa tao para lang kumita ng magkano at matulungan ang mga sarili nila.
'Yung mga ethical strategies kasi ay "mabagal" gusto nila ng mabilisang pera tapos magtataka sila kung bakit kapag narinig ng tao na "networking", scam agad ang nasa isip ng mga ito? (sigh)
Nakakaawa 'yung mga networkers na may magandang reputasyon pero nasisira dahil sa kasakiman ng mga networkers na ang habol lang ay pera. Mga matitino at may magagandang loob na tao na nababahiran ng kasakiman dahil itinuturo sa kanila na ang tanging paraan lang para yumaman ka ay manloko ng iba. "White lies lang naman 'yun bro/sis kaya ok lang." Eh kung sa'yo kaya gawin? Ok lang? 😡
Tapos sasabihin na'tin sa ibang tao na "close-minded", "negative" or "ma-pride" sila kaya ayaw nilang sumali? Sino ba ang may gawa kung bakit naging ganun sila? Diba 'yung pagiging unethical rin na'tin?(Yes kasama ako. Dati ko itong gawain at aminado ako)
Para sa mga taong gustong sumali sa network marketing, h'wag po kayong tumingin sa income o 'yung mga perang pinapakita ng mga networkers. End-result na ho 'yan! Ang alamin n'yo ay kung anu-ano 'yung mga ituturo nila sa inyo para kumita ng ganun kalaki.
H'wag n'yo ho tingnan 'yung bunga. Alamin n'yo kung paano nila tinanim 'yung binhi. Meron pa rin hong mga networkers na matitino at gumagawa ng ethical and most of the time, hindi ganun kalaki 'yung kinikita nila dahil hindi nila pinagpapalit sa pera ang reputasyon nila. ;)
No comments:
Post a Comment