"Paano ba ang Mag Ipon"
Magbabagong taon na, panigurado ako na isa nanaman sa mga ilalagay mo sa "New Years Resolution" mo ay ito .. MAG IIPON NA AKO THIS YEAR!
Isa ka ba sa mga taong hindi marunong mag ipon?
Kahit napaka liit na halaga, Hindi mo kayang mag tabi?
Gusto mo na ba matapos yan this year?
Tulutan mo akong ibahagi sa iyo ang aking naging karanasan at kung paano ko nasolusyunan ang problemang ito.
Well, Magpapakatotoo ako sayo, few years ago ganyan din ako, alam mo yung tipong every year isinusulat ko sa isang papel na magiipon na ako this year. Tapos makalipas ang isang taon, narealize ko wala nanaman akong Ipon at same scenario kukuha ako ng isang papel, isusulat ko nanaman ang mga katagang MAGIIPON NA AKO THIS YEAR!
Darating yung oras, may mga bagay kang gusto bilhin hindi mo mabili dahil hindi ka nanaman nakapag ipon o nakapag tabi. Dumating ako sa time na talagang nainis na ako sa sarili ko at gusto ko malaman kung bakit ba ako naging ganito.
Naisip ko lang, paano kaya kung nuong bata pa lamang tayo, ang assignment sa atin ay ang mag ipon at papatayuin sa black board ang hindi nakakapag ipon. Yung tipong, Grade 1 ka, kailangan mo mag lagay ng piso sa Alkansya mo everyday. Grade 2, Dalawang piso naman ang kailangan mo itabi. Hanggang sa dumating ka ng Grade 5 na Limang Piso na ang inilalagay mo kada araw sa iyong Alkansya.
Dahil dyaan, narealize ko kung anu nga ba ang Problema sa ating mga Pilipino kung bakit hindi tayo makapag ipon, iisa lamang yun. Hindi ka napalaki at hindi ka nasanay na mag ipon ng pera. Thats it!
Now, gusto ko ishare sa inyo itong napaka daling Solusyon na ginawa ko sa problema ko sa pagiipon.
Sinimulan ko ito sa pagbili ko ng Lalagyan. Kada araw, pag uwi ko galing sa school naglalagay ako ng kahit magkano na barya sa aking alkansya. Sinimulan ko ito sa Piso, Yes! Piso! Hindi mo kailangan mag simula sa malaki para makapag ipon.
Hanggang sa nasanay ako, ang ginawa ko naman everyday, buo na Limang Piso. Hindi ko na namamalayan na nagtatabi pala ako, hanggang sa umabot ako na nung time na nagnenetwork ako 20pesos na buo na ang aking inilalagay, naging 50, 100. Dahl dito sa hakbang na ito, matututo ka dito ng TAMANG DISIPLINA.
And last step na talagang medyo nahirapan ako.
Kapag nakikita mong may naitatabi ka nang pera, Iwasan ang pagbili ng mga bagay na HINDI mo naman kailangan. Unahin ang Kailangan, bago ang mga bagay na iyong GUSTO.
Kung may sobra kang pera o Ipon, Walang masama sa pagbili ng mga bagay na Gusto mo.
I hope, sa haba nito ay may natutunan kayo!
Share this Post kung gusto mong pati mga kaibigan mo ay matutunan din ito, o itag mo sila dito.
"Kung sa maliit na pagtatabi hindi mo magawa, Paano pa pag malaki na kinikita mo?"
-Raf De Andres
#CoachRaf #PYC
No comments:
Post a Comment