Tuesday, July 18, 2017

MONEY IS A GOOD SERVANT BUT A BAD MASTER.

___
 Sabi nila the LOVE OF MONEY is the ROOT OF ALL EVIL.
Pero ang totoo ay the LACK OF MONEY is the root of all evil.
Kapag wala kang pera handa kang gumawa ng masama, kumbaga, handa ka nang kumapit sa patalim lalo na kung malaki ang pangangailangan mo. 

Kapag wala kang pera makakagawa ka ng masama kahit labag minsan sa prinsipyo mo at moralidad mo. Pero hindi mo iisipin yun dahil kapag kumakalam ang sikmura mo, ang nagiging instinct mo na lang ay maka survive, whatever it takes kailangang mabuhay ka. Hindi naman lahat pero yan ang dahilan kung bakit may mga gawaing hindi man katanggap tanggap sa lipunan, pero patuloy na laganap. Money is not everything but it can really affect the most important things in your life. 

Makikita mo ang nagagawa ng taong may pera sa loob pa lang ng tahanan. Normally kung sino ang nakakapag provide sya minsan ang pinapakinggan, sinusunod, at kinukonsulta sa mga desisyong gagawin. Kung wala kang pera, ikaw lang ang susunod at makikisama. Money can either simplify your life, can amplify your voice and widen your connections, and can be used to help other people. But again be WISE, money is just a TOOL not a PERSON.

Kung bakit madaming tao ang kontento na sa buhay nila ay dahil sa maling pananaw nila sa pera. Ang pera ay hindi lang pang mayaman, ganun din ang pangarap. Ang totoo kasi, hindi totoong walang opportunity, minsan nga nasa harap mo na, nagdududa kapa, hindi rin dahil wala kang puhunan o kakayahan, hindi naman daang libo o milyon ang pinag uusapan. Ang totoo, mas inuuna mo ang takot mo kesa sa pwedeng maging magandang makuha mo kapag ginawa mo ito. Kung palagi kang matatakot, kelan ka pa magiging matapang?
YES OR NO lang at biglang mababago ang lahat :)
Tandaan, IBA ANG MAY PERA :) Mas madami kang magagawa, at mas madami kang matutulungan. Mas naririnig ka at mas pinapakinggan ka. But dont WORK HARD for money. WORK SMART :)
___

No comments:

Post a Comment